Assessor's Office ADMINISTRATOR ACCOUNTING AGRICULTURE BUDGET MBPLO LCR ENGINEERING GSO HRMO
MPDC RHU MPDO MSWD TREASURER VETERENARIAN SANGGUNIANG BAYAN SENIOR CITIZEN PESO POSD WENEC
ANG ALIAGA NATIN NGAYON!!!!
|
ALIAGA MAP Ang bayan ng Aliaga ay ipinangalan sa sinilangan ng unang Gobernadorcillo, Don Aniceto Ferry, sa Trevel, Espanya. Ang Aliaga ay bahagi ng probinsiya ng Pampanga mula 1571 hanggang 1848 at ito ay itinatag bilang isang bayan ng Nueva Ecija noong Pebrero 8, 1849. Ang makulay na kasaysayan ng Aliaga ay kaakibat ng sari-saring kalamidad na napagtagumpayan ng mga mamamayan dahil na rin sa sama-samang lakas at isipan ng mga tao at mga namumuno na mabuhay ng masagana at payapa at sa kanilang debosyon sa tulong at pamamagitan ng mahal na patrona, Nuestra Señora Delas Saleras. Tunay ngang nalagpasan ng Aliaga ang mga sagabal sa kaunlaran at ngayon, ang ating bayan ay nasa pinto na ng pagiging sentro ng pangangalakal sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang Bayan ng Aliaga ay matatagpuan sa Kanluran ng Lalawigan ng Nueva Ecija. Sa hilaga ay matatagpuan ang Sto. Domingo, Quezon at Talavera. Sa timog naman ay ang mga bayan ng Sta. Rosa at Zaragosa at sa kanluran ay Licab, sa silangan ay Cabanatuan.
|
Office/DepartmentADMINISTRATOR
|